K Brosas hinangaan dahil sa kanyang reaksyon ng mag-out ang kanyang anak bilang lesbiana


Hinangaan ng maraming netizens ang singer na si K Brosas dahil sa naging reaksyon niya ng mag-out sa kanyang ang kanyang anak bilang isang lesbian.

K Brosas hinangaan dahil sa kanyang reaksyon ng mag-out ang kanyang anak bilang lesbiana [Photos: K Brosas-Youtube/Instagram]

Sa vlog ng broadcaster na si Karen Davila, ay natanong si K Brosas sa naging reaction niya ng mag-out ang kanyang anak “Your daughter, nung lumabas siya na lesbiana siya, what was your reaction?” 


(ads)


Kwento ni K matagal na raw niyang nararamdaman ang kanyang anak: “Matagal ko nang alam. Alam ko na high school pa lang, nakakaramdam na ko. Pero syempre kwento nila ’yan eh, dapat sila ang magkwento. Ako pa ang nagsabi sa kanya kasi nakarating na sakin, ‘yung anak mo tomboy pala.’ Ayoko nang lumaki, so sabi ko, inunahan ko na siya,” 


“[Sabi ko], ‘anak alam ko na.’ Iyak lang siya ng iyak. Ako, ’di ako umiiyak. Sabi ko, ‘kahit halamang dagat ka pa.’ Ganun talaga dapat, kasi sa panahon ngayon, anak niyo ’yan. Siyam na buwan nating dinala ’yan,” pagpapatuloy pa niya. 

 
Si K Brosas ay isang kilalang komedyante, mang-aawit, at aktres sa Pilipinas. Siya ay mas kilala sa kanyang makulit na personalidad at natatanging kakayahan sa pagpapatawa. Isa siyang mainstay sa mga comedy bars at telebisyon, at nakilala sa mga programang tulad ng "Banana Split" at "Magandang Buhay." Bilang isang mang-aawit, naglabas siya ng ilang mga kantang naging paborito ng marami, tulad ng "Nais Ko," "Kantahan 2018," at "Apat Na Buwang Pasko." 


Sa kabila ng kanyang kakaibang humor, kilala rin siya sa pagiging tapat at makatao. Patuloy siyang nagbibigay inspirasyon sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang pagiging positibo at pagiging matulungin. Sa kabuuan, si K Brosas ay isang pambihirang alagad ng sining na patuloy na nagpapaligaya at nagbibigay ng inspirasyon sa marami.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form