Anji Salvacion hinangaan matapos namahagi ng blessings sa mga batang may sakit

 

Photos: Star Magic/Youtube

Namahagi ng blessings ang "Linlang" actress na si Anji Salvacion sa mga batang may sakit sa  Philippine Children's Hospital sa Quezon City kamakailan ng binisita ito ng actress. 

$ads={1}

Sa kanyang pagbisita saa naturang ospital, ay nagbigay siya ng P50,000 bilang donasyon. Maliban dito ay kanya ring pinasaya ang mga batang pasyente sa pamamagitan ng pagkanta at pakikipag-usap. Niregaluhan at pinakain din niya ang mga ito.

"I truly believe that our children are our future and I truly believe na kung ano 'yung pinapakita natin sa mga bata ay maa-absorb 'to ng mga bata," sabi ni Anji

$ads={1}

"Ang mga bata na 'to they'll be the next adult who will be sharing this goodness that we're showing them, the kindness and the love and the sharing that we're showing them. Magagamit nila ito sa iba and mase-share nila sa mga susunod na generation," dagdag pa ng Linlang actress


Si Anji Salvacion na may tunay na pangalan na Angie Kristine Allen Salvacion Gorbulev, ipinanganak noong September 24, 2002 ay isang pinay singer, actress at  television personality na naging kilala manalo sa tenth season ng  Pinoy Big Brother. Si Anji ay isa sa cast ng hit series ngayon na Linlang na mapapanood sa Prime Video.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form