Gerald Anderson nagreact sa performance ni Kim Chiu sa Linlang

 

Photos: @andersongeraldjr,@chinitaprincess/instagram

Nagbahagi ng kanyang reaction ang ang actor na si Gerald Anderson sa performance ng kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu sa hit series na Linlang.

$ads={1}

Naibahagi ito ng actor sa naganap na contract signing niya sa ABSCBN: “Nakakatuwa kasi ang naririnig ko ibang Kim 'yung nakita nila, ibang JM. I'm happy for her because talagang 'yun 'yung...perfect word (for her) hard worker talaga 'yan. Sobrang nakaka-inspire 'yan,”

Dagdag pa ng actor: “Paganon-ganon lang siya sa 'Showtime' but grabe 'yun, fighter 'yun, palaban 'yun. She works really hard. 'Yung success na meron siya ngayon with this show, she deserves it.”

$ads={2}

Nang tanungin siya kung may posibilidad ba na magkaroon sila ng proyekto ay sinabi ng actor na: “'Di ko masasagot 'yun. 'Di ko alam. Kailangan natin sila makausap,”

Nagsimulang sumikat si Gerald taong 2006 nang sumali siya sa reality show ng ABSCBN  na Pinoy Big Brother kasama si Kim Chiu.

Nagsimula din na naugnay sina Kim at Gerald sa loob ng Bahay ni Kuya at nauwi ito sa real-life relationship. Ngunit ang kanilang relasyon ay hindi nagtagumpay at naghiwalay din sila noong 2017 na ikinalungkot ng mga Kimerald fans.




Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form