Kaila Estrada inilahad na hindi pa siya handang makatrabaho ang kanyang mga magulang

 

Photo Screengrab from: Ogie Diaz/Youtube

Tapat na inilahad ng "Linlang" star na si Kaila Estrada na hindi pa siya handang makatrabaho ang kanyang mga magulang na sina John Estrada at Janice de Belen.

$ads={1}

Naibahagi ito ni Kaila sa panayam ng actress sa Youtube Channel ng talent manager na si Ogie Diaz. Natanong kasi siya ni Ogie kung willing ba umano siya na makatrabaho ang kanyang mga magulang.

"May ganung factor, parang nahihiya ako, parang sa ngayon, di ko siya ma-imagine. Siguro kasi, nahihiya akong magkamali sa harap nila. I think that's part of it. Siguro siyempre, it's a different environment. Yung work environment, so hindi ako sanay na kasama sila sa ganung environment, pero someday, sana maka-work ko sila," sabi ni Kaila 

$ads={2}

"Oo, parang gusto ko mung mag-gain yung experience, confidence, bago mangyari yung moment na yun na mag-work kami, but someday..." dagdag pa ni Kaila 

Si Kaila Estrada na may tunay na pangalan na Mikaela Ariana De Belen Estrada ay anak ng dating couple na sina Janice De Belen at John Estrada. Siya ay ipinanganak noong March 16, 1996. Kamakailan lang ay nagtrending ang eksena ni Kaila kasama si Kim Chiu sa Linlang na kung saan hinangaan ang kanyang galing sa pag-arte.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form