Ogie Diaz ibinunyag kung paano niya sinigawan noon si Yen Santos matapos itong di makaiyak sa isang eksena

 

Photos: yensantos2020,ogie_diaz/instagram

Naibahagi ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang latest "Showbiz Update" vlog ang tungkol sa actress na si Yen Santos na umanoy hindi maka-iyak sa set ng kanilang project. Nangyari ito taong 2011.

$ads={1}

"Si Yen... Naaalala ko nung 2011 yata yon, "Mutya," talagang si Yen ay di makaarte, di makaiyak... Siyempre, sabi ko sa direktor, 'Pwedeng ako na mag-motivate sa kanya? Sabi nung assistant director, 'Huwag, wag muna, hayaan mo siyang makinig lang ng music, gusto niyang makinig lang ng music. Tapos yung tumutugtog yung bata, 'Sana ang buhay.. "Ang tagal, sabi ko, anong oras na...sabi ko sa assistant director, ibigay mo na sa akin, ako na, ako na, ako na ang bahala diyan." kwento ni Ogie 

Matapos nito ay humingi ng pahintulot ang assistant direktor sa kanyang direktor at nang bigyan na siya ng go signal ay agad na minotivate ni Ogie si Yen. 

$ads={2}

"Ano ba yan? Nakakaloka ka! Nag-arti-artista ka pa, hindi ka pala marunong umarte! Wag ka nang mag-artista, nakakaloka ka. Tingnan mo, gusto na naming umuwi, ikaw hanggang ngayon di ka pa rin makaiyak. Kaisa-isa at kahuli-hulihang eksena ito, hindi mo pa magawa. Nakakaloka ka, andito tayo sa Batangas, jusko luluwas pa tayo ng Maynila. Ano ba?!" sabi ni Ogie kay Yen 

"Sorry, sorry..., iyak ng iyak talaga si Yen. Sabi ko, 'take na to. 'Aris, aris...' 'Cut, very good,' sabi ng director. Sabi ko, o ang galing-galing mo," kwento pa ni Ogie 


Si Yen Santos ay isang Filipina actress na kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa telebisyon at pelikula. Ipinanganak noong November 20, 1992, nagsimula siya sa showbiz bilang isang housemate sa "Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010." Matapos ito, naging bahagi siya ng maraming teleserye at pelikula.

Nagkaroon siya ng mga proyekto sa telebisyon tulad ng "Pure Love," "All of Me," at "Halik," kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento sa pagganap. Si Yen ay isang talented na artista na patuloy na nanganganib sa iba't-ibang uri ng mga papel. Siya ay kilala sa kanyang kagandahan at mahusay na pagganap, at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan na nagnanais na magtagumpay sa mundo ng sining at pag-aartista.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form