Vice Ganda naglabas ng prangkang saloobin kaugnay sa hirap ngayon na magpatawa

 

Photo Screengrab from Vice Ganda/Facbook

Naglabas ng kanyang prangkang saloobin ang komedyanteng si Vice Ganda kaugnay sa umanoy hirap ngayon sa pagpapatawa ng mga tao.Nabanggit niya ito matapos ang Magpasikat 2023 performance nina Vhong Navarro, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz na kung saan nagbigay sila ng tribute sa mga yumaong komedyante.

$ads={1}

Ayon kay Vice kung mahirap daw noon magpatawa, mas mahirap raw ngayon:

"Tsaka dati nung panahon nila, mahirap nang magpatawa no’n. Pero grabe ‘yung hirap magpatawa ngayon. Minsan ‘pag nanonood ako ng mga lumang comedy, sasabihin ko ‘Nakakatawa ‘yan ano? Pa’no ‘pag sinabi ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sakin? Pa’no ‘pag ginawa ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sa’kin?’"sabi ni Vice

$ads={2}

Sa kabila nito ay hiling ni Vice na sana dumami pa ang mga komedyante.

“Ang sarap magpasaya ng mga Pilipino pero lately, ang hirap niyo ding pasayahin. Konting kibot, konting utot ‘di ba, merong panget na reaksyon. Ang hirap-hirap magpatawa ngayon kaya nakakatuwa na makita ‘yung maraming litrato nung komedyante. Sabi ko ‘Ang sarap oh, andami ng komedyante.’ Pero ngayon sana dumami pa ‘yung komedyante kahit ang hirap-hirap nang magpatawa,” sabi ni Vice


Si Vice Ganda ay isang kilalang Filipino comedian, actor, host, at recording artist. Ipinanganak noong Marso 31, 1976, siya ay isa sa mga pinakasikat na komedyante sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang natural na komedya, at naging bahagi siya ng mga sikat na show tulad ng "It's Showtime." Si Vice ay naging host rin ng kanyang late-night talk show na "Gandang Gabi Vice." Bukod sa pagiging komedyante, siya ay isang proficient na singer at nakapaglabas ng ilang album. Ang kanyang pagkakaroon ng positibong impact at pagpapatawa sa mga Pilipino ay nagdala sa kanya ng malawak na tagahanga.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form