Annabelle Rama umalma sa mga "Chismosang Marites" na gumawa ng maling kwentO at fake news sa social media

 

Photo Credits: @annabelleramaig,@richardgutz/instagram

Inalmahan ni Annabelle Rama, ina ni Richard Gutierrez ang aniya'y mga Chismosang Marites"  na  gumawa umano ng maling kwento.

$ads={1}

"Mga Chismosang Marites!! Tigilan nyo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa sosyal media is all fake news."sabi ni Annabelle sa kanyang instagram post

Aniya pa sana raw ay huwag dagdagan ang mga maling balita: "Wag nyo ng dagdagan ang mga maling balita malalaman nyo rin ang katotohanan in due time. Baka ma shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman niyo kung sino ang walang hiya na kontrabida . Mali ang bentang nyo sa akin. Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag ina."

$ads={2}

Sabi pa ni Annabelle na nagsimula ang malaking gulo nang biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa: "Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis. Nagulat nalang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi."

Aniya pa gigil na raw siyang ilabas ang katotohanan ngunit pinagbawalan raw siya ng kanyang lawyer na magsalita. "Kung hindi ako pinag bawalan ng lawyer na magsalita . Mag enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata."

Aniya pa: "Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay . Dahil mahal ko ang mga apo ko."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form