Anabelle Rama wish makahanap si Richard Gutierrez ng babaeng hindi tumitingin sa iba

 

Photo Credits: @annabelleramaig,@richardgutz/instagram

May wish si Annabelle Rama sa kanyang mga anak na kambal na magbi-birthday ngayong linggo na sina Richard at Raymong Gutierrez.

$ads={1}

Kasalukuyang nasa Cebu ngayon si Annabelle at galing raw siya sa Sto. Nino Church at ang wish niya kay Richard ay:

“Ang birthday wish ko for Chard ay good health, na ilayo siya sa disgrasya. Makahanap ng lifetime partner na mag-take care sa kanya sa lahat-lahat katulad nang ginawa ko kay Eduardo (Eddie Gutierrez). Babaeng hindi na tumitingin sa iba. Iyan ang dinasal ko kanina sa Sto. Niño. Tuloy-tuloy rin ang magandang career niya. Mabigyan siya palagi ng good projects ng ABS-CBN."sabi niya sa panayam ng Abante 

$ads={2}

Wish din niya kay Raymond na: “For Mond naman, sana tuloy-tuloy ang suwerte niya. Successful ang pagiging Creative Director, pati projects niya abroad, eh, magtuloy-tuloy rin. Na healthy siya. Wish ko rin prosperity. Ilayo siya sa sakit at aksidente. Na palagi siyang happy.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form