Gillian Vicencio binasag na ang katahimikan matapos madawit sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

 

Photo Courtesy: @_gillianvicencio,@bernardokath/instagram

Binasag narin sa wakas ng actress na si Gillian Vicencio ang kanyang katahimikan matapos madawit ang kanyang pangalan sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

$ads={1}

Sa panayam ng ABSCBN sa actress ay ibinahagi niyang nagulat siya sa issue dahil wala naman daw ganoong nangyari.

“Nagulat po ako. Wala naman pong nangyari na ganun. First time ko po magkaroon ng ganung issue.” sabi ni Gillian 

Ibinunyag rin ng actress na nagmessage rin siya kay Kathryn: “Hindi ko po alam kung saan nanggagaling. Nag-message po ako sa kanya at hindi pa po kasi kami nakakapagkita ulit ng personal,”

$ads={2}

Samantala nang tanungin siya kung sakaling magkaroon siya ng project kasama si Kathryn o di kaya ay si Daniel ay tatanggapin niya ito: “Project po ‘yun. Kailangan ng pera. Oo naman, kasi wala naman (malice),” 

Ito naman ang naging sagot ng actress ng tanungin siya kung kailan siya huling nagtext kay Daniel:  “Hindi naman po kami nag-uusap. Matagal na rin po kaming hindi nag-uusap after nung taping. Nung taping lang talaga kami nakakapag-usap (as a group).”

Matatandaan na naging parte ng series na "2 Good 2 Be True," si Gillian na pinagbibidahan nina Kathryn at Daniel.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form