Andi Eigenmann sa kanyang inang si Jacklyn Jose: “Sobra, sobra, sobra n’ya kaming minahal…"

 

Photo Courtesy: Anna Pingol via Pikapika

Di mapigilang maging emosyonal ni Andi Eigenmann sa eulogy ceremony para sa kanyang inang si Jacklyn Jose nito lamang March 5. Matatandaan na pumanaw si Jaclyn sa edad na 60 noong March 2, 2024 dahil sa heart attack.

Sa report ng Pikapika ay pinasalamatan ni Andi ang ABSCBN at Dreamscape Entertainment para sa tribute night na inoffer nila kay Jacklyn.

Buong pagmamalaki ding inihayag ni Andi kung gaano minahal ng kanyang ina silang ng younger brother n’yang si Gwen Garimond. 

“Hindi ko po ma-explain kung paano magiging posible na… Alam ko rin lahat ng mga taong nandito ngayon, sinasabihan ko kung gaano kami ng kapatid kung si Gwen… kung gaano kami kamahal ni nanay,” sabi ni Andi

“Ganu’n kalaki ’yong puso n’ya. Sobra, sobra, sobra n’ya kaming minahal,”dagdag pa niya 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form