Vice Ganda ibinunyag ang sanay dream project nila ni Jacklyn Jose

Photo Courtesy: ABSCBN News/Youtube

Ibinunyag ni Vice Ganda ang gagawin sana nilang project ng yumaong si Jaclyn Jose na maalalang pumanaw nito lamang March 2, 2024.

$ads={1}

Naibahagi ito ni Vice sa panayam sa kanya ng ABSCBN reporter na si MJ Felipe na kung saan nabanggit niyang nanghihinayang siya dahil hindi na matutuloy ang dapat sana’y comeback movie niya kasama si Ms. Jaclyn.

Matatandaan na nagkasama sina Jaclyn at Vice sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na “Fantastica” na kung saan ginampanan nila ang role bilang mag-ina.

$ads={2}

“Meron din kasi akong dream project din with her. Na-pitch ko sa Star Cinema na, ‘Gusto ko, ‘yung parang indie type na movie pero comedy na drama na magnanay kami.’ [Sabi nila,] ‘Ay, maganda ‘yan. For a change.’ Sabi ko, ‘Gusto kong magkaroon ng ganitong pelikula.’ E hindi na matutuloy. Nakakapanghinayang.”sabi ni Vice

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form