Ilang netizens kinuwestyon kung walang solo entrance si Karylle sa Its Showtime at GMA contract signing

 

Ilang netizens kinuwestyon kung walang solo entrance si Karylle sa Its Showtime at GMA contract signing

 Mga netizens hindi nagustuhan kung paano ipinakilala si Karylle sa naganap na contract signing sa pagitan ng Its Showtime at GMA 7 

Kinuwestyon ng ilang netizens kung bakit umano walang solo entrance si Karylle sa naganap na contract signing sa pagitan ng Its Showtime at GMA Network.

$ads={1}

Si Karylle ay matagal ng naging host ng Its Showtime at noong 2011 siya nag-umpisa. Ang Its Showtime ay nagsimula noong 2009 na ang mga pioneering host ay sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Anne Curtis.

At nito ngang March 20, 2024 ay naganap ang makasaysayang contract signing sa pagitan ng dating magkatunggaling network. 

Sa naturang contract signing ay ipinakilala ang mga host sa pamamagitan ng pagkalakad sa red carpet.  Sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, at Kim Chiu ang mayroong solo entrance.

$ads={2}

Sina Karylle at Tyang Amy naman ay ipinakilala na magkasabay na lumakad sa red carpet. 

Sa kanyang tweet ay masaya si Karylle na nakasama niya si Tyang Amy: “Honored to be with my real life Tita, ang Tyang ng Bayan Tita Amy Perez who has been in the noontime game since Kwarta o Kahon!”

Ngunit ilang fans ang tila hindi nagustan ang paraan sa pagpakilala kay Karylle dahil anila deserved raw ng host na magkaroon ng solo entrance. Ayon pa sa fans ng host, matagal narin daw si Karylle na naging host sa naturang show.

Narito ang ilan sa mga tweet ng netizens: 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form