Dagul dalawang linggo ng nasa ospital; nangangailangan umano ng tulong

 


Dalawang linggo na umanong nasa ospital ang komedyanteng si Dagul ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz. Naibahagi ito ni Ogie sa April 28, episode ng kanyang show na "Ogie Diaz Showbiz Update."

$ads={1}

"Huling nabalitaan natin, Si Dagul ngayon ay naka-confine sa Philippine Heart center. Kung saan, in fairness naman tinutulungan naman siya ng mga senador na mga kakilala niya.... Pero hindi naman lahat ay kayang tugunan ng guarantee letter. So kailangan pa rin nila ng pondo para sa paggaling ni Dagul," sabi ni Ogie 

"Ang kanyang lungs ay may clot. At chini-check pa ang kanyang heart kasi nga medyo lumalaki yung kanyang heart. So, heart enlargement ito at nagka-pneumonia pa siya." kwento pa ni Ogie tungkol sa karamdaman ni Dagul 

$ads={2}

Pinahintulutan umano si Ogie na ilabas ang impormasyon na ito para makarating ito sa may mga mabubuting puso: "Dahil nahihiya nga yung pamilya na kung kani-kanino humingi ng tulong" 

Hiling din ni Ogie ang agarang paggaling ng komedyante: "Sana ay gumaling ka Dagul, para sa iyong mga anak, para sa pamilya mo." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form