Advice at Vision ni Rudy Baldwin kay Kris Aquino nagviral

 

Nagviral ngayon sa social media ang advice ng kilalang manghuhula na si Rudy Baldwin sa dating actress at host na si Kris Aquino na kasalukuyan ngayong nagpapagaling sa Amerika.

$ads={1}

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Baldwin ay hiningan si Rudy ng advice at vision para kay Kris.

Sabi ni Rudy: “Kay Kris Aquino dine-declare nila kasing mawawala siya. Nakikita nila ‘yung tao na [lumalaban] kahit hirap na hirap na siya lumalaban siya para mabuhay siya, eh.  Kahit nagbilin na siya, ang ma-advise ko ay nothing bad kung you just look in the one side of the world. Ano ibig sabihin?  I know nagpagamot ka. I know na nagpaano ka sa medisina, why you just look in the one side? Pag nagkasakit tayo, ang epekto ng sakit natin minsan hindi ‘yung doktor ang makakatulong, nothing bad naman kung magpatingin ka lang,” 

$ads={2}

Kaya napatanong si Ogie kung makakatulong ba kay Kris ang mga faith healer.

Sabi ni Rudy: “Not faith healer basta ano lang, how I wish nakita ko siya ng malapit, so, I can tell na o ganito lang ‘yan. Kasi kung wini-wish siya ng iba na mamatay, hindi ganu’n ang linya ng kay Kris Aquino, tapos kung (anu-ano sinasabi tungkol sa sakit) history-history na ‘yan. My God! hindi kayo maka-move on? Hindi n’yo ba nakita na ‘yung tao may (mga) anak ‘yan. Gagaling ‘yan!. Try lang niya (magkita kami) kahit ‘wag niya akong bayaran kahit sampung piso lang. Kailangan kasi merong galing sa kanya para ‘yung energy ko lalakas ako ulit. ‘Yung sa kanya kasi ma-trabaho yan,” 

Ito raw ang gagawin ni Rudy kay Kris para maniwala ito sa kanya: At ang gagawin daw ni Rudy kay Kris para maniwala, “Papaharapin ko siya sa salamin. Mayroon lang siyang ihihilamos na tubig, tumingin siya sa salamin at makikita niya kung sino ang gumawa sa kanya (nagpapahirap).”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form