Claudine Barretto emosyonal na ibinahagi ang ilang detalye sa pagpanaw ni Rico Yan

 

Di mapigilang maging emosyonal ni Claudine Barretto na ibinahagi ang ilan pang detalye sa pagpanaw ng kanyang dating boyfriend na si yumaong Rico Yan.

$ads={1}

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay idinetalye ni Claudine ang tungkol sa umanoy paghihiwalay nila ni Rico Yan na nangyari ilang buwan bago natagpuang wala ng buhay ang actor.

"Ang nangyari was November 2001, nasa Ad Congress siya. 'Pag uwi niya end of November, may nalaman ako and naghiwalay kami. Pero we we're staying under the same roof. Ang usapan is, January, move out. He was asking pa na ayaw niya umalis," kwento ni Claudine 

$ads={2}

Aminado naman si Claudine na maging siya ay may pagkukulang rin sa relasyon nila ni Rico: "Alam mo ang tagal kong prinotektahan ang pangalan ni Rico. Pareho kaming may mali. Hindi ko lang talaga matanggap 'yung time na 'yun kung ano man 'yuung nangyari during Ad congress." 

Nilinaw narin ni Claudine ang issue na umanoy sinaktan siya ni Rico: "Umabot ng March 5 'yung away namin pero hindi totoo na sinaktan ako ni Rico o naging violent siya. 'Yun ang gusto kong iklaro. Never. Nagsigawan kami pero hindi umabot sa nananakit."

Ayon pa kay Claudine siya at ang kapatid umano ni Rico ang huling tinawagan ng actor: "'Yun yung pinaka pinagsisisihan ko. The night na March 29 ng madaling araw tumatawag siya... Last call niya was sa sister niya at sa akin. Alam mo ngayon naiisip ko, baka yun ang pinakamalaking karma ko. Hindi alam ng tao, ako rin. Sinisisi ko rin ang sarili ko."

Paglilinaw pa ni Claudine hinggil sa kwento niya na ito: "Ang lahat ng ito, inuulit ko lang for the timeline. Pero lahat 'to all is forgiven." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form