Cristy Fermin naglabas ng saloobin matapos idemanda ni Bea Alonzo: ‘We will see you in court’

 

Naglabas na ng kanyang saloobin ang entertainment columnist na si Cristy Fermin matapos silang sampahan ng kaso ni Bea Alonzo.

$ads={1}

Sa kanyang programa na  “Cristy Ferminute” nito lamang May 3 ay itinanggi ni Fermin na ginamit lamang nila si Bea para pagkakitaan.

“Kami po ang nagtatawid ng balita tungkol sa kanila. Hindi po namin maaaring puhunanin si Bea Alonzo para kumita ang aming mga vlogs. Mali po ‘yun. Lahat ng mga kuwento ay inilalatag po namin at depende na lamang po ‘yan sa pagtanggap ng mga personalidad na aming tinatalakay,” sey ni Fermin

$ads={2}

Sinabihan pa ni Fermin si Bea na huwag masyadong balat-sibuyas dahil sila raw ay isagn public figure. 

“Dapat intindihin ninyo ang aming propesyon dahil kami po ay tagapagtawid at tagapaglatag ng mga balita. Hindi maaari na ang gusto n’yo lang ang aming sabihin. Kayo po ay public figures. Kayo po ay nabubuhay sa loob ng aquarium. Sabi ko nga at gasgas na ang linya kong ito, kayo po ay mga isda sa loob ng aquarium. Ang publiko po ay nakatanaw sa inyo. Bawat galaw n’yo, bawat ikot n’yo, marami po nakatanaw, wala kayong maaaring ligtasan." sabi ni Fermin

“Kaya public figures kayo, huwag masyadong balat-sibuyas,” dagdag pa niya

“Kayo ang nagdemanda. Ikaw Bea ang nagsampa ng kasong libelo laban sa akin, kay Ogie Diaz at sa aming mga kasama… We will see you in court.” sabi pa ni Fermin

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form