Vice Ganda naglabas ng saloobin hinggil sa kontrobersiyal na joke niya noon kay Jessica Soho

 

Naglabas na ng saloobin ang Its Showtime host na si Vice Ganda kaugnay sa kontrobersiyal na joke niya noon sa batikang journalist na si Jessica Soho.

$ads={1}

Sa kanyang vlog inihayag ni Vice ang kanyang pananaw tungkol sa mga taong ayaw sa kanya dahil sa nasabing joke niya kay Jessica Soho.

“Sa mga taong ayaw sa akin, isa lang ang definition ko: I made a r*pe joke about Jessica Soho. Yun lang ang depinisyon ko sa mga taong ayaw sa akin, at habang buhay na nilang bibitbitin iyon para maging rason para magalit sila sa akin habambuhay.” sabi ni Vice

$ads={2}

“Other than that, wala na silang ibang nakikita sa akin. Hindi na nila makikita ang anumang bagay na gagawin kong tama, hindi nila makikita ang anumang magandang salitang lalabas sa bibig ko, hindi nila makikita yung magandang epekto ko sa ilan, hindi nila makikita yung kung anumang kabutihan meron ako sa puso ko, hindi nila makikita yun, dahil sa ayaw nila ako, they do not like me, they hate me, they only need one reason to define me, they only need one bad dedication about me, and that bad definition of me is "Vice Ganda, sya yung nagrape joke kay Jessica Soho" at paulit ulit nilang babalikan yun para hindi sila mawala sa paniniwala na ayaw nila ako. dagdag pa niya 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form