Ogie Diaz nagreact matapos kino-call out ng netizen nag magpublic apology kay Baron Geisler


Nagreact si Ogie Diaz matapos kino-call out siya ng mga netizens na mag-public apology sa Senior High star na si Baron Geisler. 

Ogie Diaz nagreact kino-call out ng netizen nag magpublic apology kay Baron Geisler
Photos: Ogie Diaz Showbiz Update(YouTube)/Baron Geisler(Instagram)

Sa bagong episode ng kanyang show sa YouTube na "Ogie Diaz Showbiz Update" ay napag-usapan nila ang tungkol sa mga sinasabi ng netizen na magpublic apology siya kay Baron. Matatandaan na nagviral ang naging pahayag ni Ogie kaugnay sa isyu na umanoy planong alisin si Baron sa Senior High


(ads)


"Wala po akong dapat i-public apology. I stand by my story," sabi ni Ogie 


"Nagpaalam sila sa prod na ilang linggo yata or gaano katagal mawawala si Baron dahil meron siyang dalawang pelikulang gagawin... May clearance. Ito ay para pabulaanan 'yung lumabas na tinerminate daw si Baron," Ani Ogie D na sinegundahan naman ni Mama Loi at sinabing "HIndi mo naman sinabing tinerminate ah?"  


Gaya ng kanyang sinabi kamakailan, hamon umano ito ni Baron para patunayan na totoong nagbago na siya at hindi totoo ang mga nagsilabasang alegasyon laban sa kanya. 


(ads)


Naibahagi rin ni Ogie ang mensahe ni Baron sa kanya kaugnay sa isyu na umanoy natatakot sa kanya ang mga batang co-stars niya sa Senior High.


"Natawa si Blythe sa isyu pati mga bata raw na kasama niya. Kaeksena nga raw niya noong Monday si Blythe. Sabi ni Blythe, "o ba't ksama na naman ako sa mga isyung ganyan?"Nakakasira raw yung mga isyu sa kanya especially raw may nakapilang mga projects sa kanya at may mga pinapakain din daw siyang mga tao," pagbahagi ni Ogie sa mensahe ni Baron


Pwede mong panoorin ang kabuuang video dito:

 
 Si Baron Geisler ay sa pinakamagaling na artista dito sa Pilipinas. Siya ay ikinasal kay Jamie Evangelista at mayroong isang anak na babae na nagngangalang Talitha Cumi.
Isa sa pinakasikay na pelikula ni Baron at ang Netflix movie na "Doll House" na kung saan marami ang napa-iyak nito. Sa ngayon ay isa si Baron sa cast ng hit series ng Kapamilya Network na Senior High.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form